Mahigit P500-B sa panukalang 2025 national budget, ilalaan sa mga programang pang-ayuda

Maglalaan ang gobyerno ng P591.8 bilyon para sa ayuda sa panukalang 2025 national budget.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, para sa 2025 budget pinakamalaki ang alokasyon ng 4Ps na nasa P114.2 bilyon. Pero wala sa national budget ang pondo para sa “Ayuda sa Kapos ang Kita” (AKAP) na nakatanggap ng P26.7 bilyon ngayong 2024.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Mababatid na wala rin ang AKAP sa version ng 2024 budget na inaprubahan ng Senado pero ipinasok sa Bicameral Conference Committee ng hindi nalalaman ng ibang miyembro ng komite.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Paliwanag ng DBM, karaniwang inuuna ng ahensya na gastusan ang mga proyektong pwede na agad ipatupad at kung minsa ay may gusto ang kongreso na hindi naman talaga prayoridad ng ahensyang magpapatupad nito.