Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency na umabot na sa 49.82 billion pesos ang halaga ng nakumpiska nilang illegal na droga sa panahon ng Marcos administration o mula July 01, 2022 hanggang nitong September 30, 2024.
Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon na pinaka malaki sa kanilang mga nasabat ang shabu na umaabot sa 6,481 kilograms, sinundan ng Marijuana na nasa 5, 628 kilograms, habang ang cocaine ay nasa 75.69 kilograms at nakakumpiska rin sila ng 115, 081 pcs ng ecstacy.
Nakapag dismantle rin ang PDEA ng nasa 1181 drug dens sa iba’t ibang barangay sa bansa na bahagi anya ng barangay drug clearing program.
Nasa 7,364 na mga high value drug targets naman ang naaresto sa nasabing petsa.
Pinakamaraming barangay naman na apektado ng illegal na droga ay mula sa National Capital Region at mga tinatawag na super region tulad ng CALABARZON at Central Luzon at sa ilang bahagi ng Mindanao.