Metro Manila LGUs, binigyan ng hanggang October 25 ng MMDA para magsumite ng traffic plan ngayong Undas

Pinagsusumite ng Metro Manila Development Authority ang mga local government unit sa Metro Manila ng kanilang traffic plan hanggang sa October 25.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez na inoobliga nila ang mga LGU na mag sumite ng traffic plan lalo na kung merong road closer, para sila na ang mag popost sa social media.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Nakikipag ugnayan na rin anya ang MMDA sa mga LGU na may malalaking terminal tulad ng Quezon City, Caloocan, Pasay, Manila at Parañaque upang planuhin ang paghahanda sa inaasahang exodus ng mga pasahero ngayong undas.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Una nang sinabi ng MMDA na magpapakalat sila ng 1, 257 mga personnel at magpapatupad ng no day-off at no absent policy upang matiyak na full force ang kanilang serbisyo sa pagdagsa ng mga pasahero at motorista.