Pasay Public Cemetery, handa na para sa Undas 2024

Nagpaalala si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga residente na sundin ang mga alituntunin at iskedyul ng pagbisita sa Pasay Public Cemetery ngayong Undas 2024 para sa maayos at mapayapang paggunita.

Simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, pinapayagan ang publiko na bumisita mula 6:00 a.m. hanggang 12:00 ng hatinggabi. Upang maiwasan ang siksikan, ang mga residente ng District 1 ay papayagan lang bumisita sa umaga, habang ang mga taga-District 2 naman ay sa hapon.

Read More:  PhilSA: Navotas landfill fire affects nearly 28.6 hectares

Magsisimula naman ang paglilinis ng mga nitso sa Oktubre 16 hanggang 28, mula 6:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Read More:  PhilSA: Navotas landfill fire affects nearly 28.6 hectares

Magtayo rin ng apat na tent sa Don Carlos Revilla Street sa Oktubre 31, na gagamitin ng PNP, Public Order and Safety Unit (POSU), CENRO, Barangay 148, DRRMO, Pasay Traffic, Red Cross, at Malibay Fire Station para sa kaligtasan at kaayusan ng mga bibista sa nasabing sementeryo.