CAMARINES NORTE- Umaabot sa P49, 377, 000.00 ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Social Pension sa lalawigan ng Camarines Norte para sa ikalawang semester.
Ayon sa ahensiya, nakapag- pay out na ito sa pitong bayan sa lalawigan na kinabibilangan ng Daet, Sta Elena, Paracale, Jose Panganiban, Labo, San Vicente at Vinzons.
Nasa 16, 641 ang mga benepisyaryong nakatanggap na ng kanilang grant.
Hindi pa nakakapag- pay out ang DSWD sa mga bayan ng Basud, Mercedes, San Lorenzo Ruiz, Talisay at Capalonga.
Ayon kay Provincial Action Team Leader Claudio Villareal, wala pang schedule ng pay out sa ngayon sa mga nabanggit na bayan.
Pero posibleng bago matapos itong buwan ay makapag pay out na rin.


Matatandaang nagsimula ang pay out para sa ikalawang semester noong huling bahagi ng Hulyo.
Ang Social Pension ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng Php 1,500 kada kwarter ng taon o katumbas na Php 500 kada buwan
Para ito sa mga mahihirap, mahina, at may karamdaman na senior citizens edad 60 taon gulang pataas na walang natatanggap na pension mula sa SSS, GSIS, o iba pang uri ng pension mula sa gobyerno o pribadong ahensya.
Nasa 25, 878 ang mga benepisyaryo ng social pension sa lalawigan.
