BNFM Bicol-NASAMSAM ng Philippine National Police (PNP) Bicol ang P1,556,526 na halaga ng ilegal na droga kung saan 228.05 gramo ang shabu at 50.2 gramo naman ang marijuana sa isinagawa nitong mga operasyon nitong nakaraang linggo mula Hulyo 8 hanggang 14.
Ipinapakita umano ng matagumpay na mga operasyong nabanggit ang epektibong pagtutulungan ng law enforcement units, intelligence personnel, at partner agencies ng PNP Bicol.
Pinapasalamatan naman ni PBGen. Andre P. Dizon ang komunidad para sa walang tigil nitong pagsuporta at walang takot na pagrereport ng kahina-hinalang mga aktibidad na nagaganap sa kanilang mga lugar tungo sa pagkakamit ng drug-free Bicol. ### Nico Merciales, Intern
Photo from Web