BNFM BICOL – Pinatatag ang kakayahan sa paghahanda sa sakuna ng tatlong barangay sa bayan ng Virac, Catanduanes matapos makatanggap ng makabong Emergency Communication Equipment para sa disaster preparedness.
Ang mga barangay na ito ay madalas ma-isolate tuwing may bagyo o masamang panahon, kaya’t ang proyekto ay naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon sa panahon ng kalamidad.
Ito ay bahagi ng Project REACHED o Resilient Emergency Communications for Enhanced Disaster Response, isang inisyatiba na pinondohan ng Australian Government sa pamamagitan ng Australian Aid.
Sa pamamagitan ng Project REACHED, inaasahang magiging mas handa ang mga barangay sa Virac sa pagharap sa mga kalamidad at para sa mas maaasahan at mabilis na komunikasyon ay magreresulta sa mas mahusay na koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at mas mabilis na pag-responde sa mga pangangailangan ng mga residente. # # # Rumer Grant Intern