LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni PNP Bicol Regional Director PBGen Andre Dizon na namatay na ang isa sa National Most Wanted Person sa bansa na kinilalng si Ramon Adonis o mas kilala bilang si alyas Ambo o alyas Ner na residente ng Barangay Cabugao bayan ng Donsol Sorsogon at Secretary Sub Regional Committee ng New People’s Army (NPA) sa Bicol Region.
Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dizon, kinumpirma nitong kahapon lamang umano naidala ang bangkay ni Adonis sa isang purenarya sa lungsod ng Legazpi.
Ayon pa kay Dizon, namatay ang sinasabing lider ng NPA na si Adonis dahil sa kanyang matagal nang iniindang sakit.
Si Adonis ay mayroong patong sa ulo na reward money na aabot sa P2.5M dahil sa iba’t-ibang kasong kinakaharap nito tulad ng Murder.
Samantala, sinabi ni Dizon, na umaabot na sa humigit kumulang sa 3K NPA ang sumuko at naaresto sa loob ng anim na buwan, mula nang ito ay magsimulang maupo bilang Director ng PNP sa Bicol.