CAMARINES NORTE- Mahigit kumulang 60 porsiento nang naibalik ang suplay ng kuryente sa lalawigan ng Camarines Norte hanggang kahapon.
Sa text message sa Brigada News FM Daet ni Camarines Norte Electric Cooperative General Manager Zandro Gestiada sampu sa labing dalawang bayan sa lalawigan ay may kuryente na partikular ang mga Poblacion Barangay.
Ang bayan na lang ng Sta Elena at Capalonga ang hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente hanggang hapon ng linggo.
Hindi naman masabi ni Gestiada kung kailan maibabalik ang isang daang porsientong suplay ng kuryente sa buong lalawigan dahil nagpapatuloy pa umano ang assessment lalo na sa mga nasa coastal barangay.
Maging ang ilang lugar sa Daet na siyang capital town ng lalawigan ay wala pa ring kuryente hanggang sa kasalukuyan.
Hindi naman natapos ang buong araw ng Sabado ay naibalik agad ng Canoreco ang suplay ng kuryente sa ilang lugar matapos ang paghagupit ng bagyong Paeng.
Ani Gestiada,ang mga lugar na agad na- energize ay ang mga walang problema sa linya.
Batay naman sa advisory ng Canoreco sa Facebook page nito, may mga puno at sanga na humapay o sumabit sa mga linya ng kuryente.
Patuloy rin daw ang Technical teams ng naturang kooperatiba ng kuryente sa restoration activities.
