Death toll dahil sa bagyong ‘Paeng’ pumalo na sa 80 – NDRRMC

Tumaas pa sa 80 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Tropical Storm Paeng habang hindi bababa sa 31 ang nawawala noong Linggo ng gabi, ayon sa datos na inilabas ng gobyerno.

Sa situanal report na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 38 sa mga namatay ay kumpirmado na, habang ang iba ay nagpapatuloy pa ang validation.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Karamihan sa mga naiulat na nasawi ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 40, sinundan ng Western Visayas na may 18, Calabarzon na may 12,  Zamboanga Peninsula na may apat, Region 12 na may tatlo, Rehiyon 8  na may dalawa, at Bicol na may isa.

Karamihan sa mga nawawalang tao ay naiulat din sa BARMM at sa Eastern Visayas na may tig-10, Western Visayas na may anim, Calabarzon na may tig-dalawa, at Mimaropa, Bicol, at Soccksargen na may tig-isa.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Naapektuhan ng Tropical Storm Paeng ang kabuuang 339,051 pamilya o 1.174 milyong indibidwal, kung saan 70,538 pamilya o 266,984 indibidwal ang naihatid sa loob ng mga evacuation center.