Mahigit isang milyong piso ng halaga ng ilegal na droga nasamsam ng PNP Bicol

BNFM Bicol-UMABOT sa P1,133,386.00 ang kabuoang halaga ng mga nakumpiskang ipinagbabawal na gamot sa naging operasyon ng Philippine National Police o PNP Bicol.

Ito ay pinagsamang halaga ng Marijuana at shabu sa 41  na isinagawang operasyon ng pulisya sa iba’t ibang mga lalawigan sa rehiyon.

Kasama rito ang pagkakahuli ng 44 na mga suspek na kasalukuyan nang nasa kustudiya ng PNP para kaharapin ang iba’t ibang mga kaso. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *