Bicol region nakapagtala na 70 kaso ng Pertussis: Catanduanes nag-iisang lalawigan na wala pang naitatalang kaso ng naturang sakit

BNFM Bicol—SUMIPA na sa 70 ang kabuoang kaso ng Pertussis sa Bicol Region matapos madagdagan ng 10 mga bagong kaso ng mga tinamaan ng sakit.

Batay sa naitala ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health o DOH Bicol katuwang ang Philippine Integrated Disease Surveillance and Response Database, Catanduanes na lamang ang natitirang lalawigan sa Bicol na Zero-Pertussis case.

Dahil dito ang Albay ay mayroon nang 27, Camarines Sur na may 20, Sorsogon na may 18 at dalawa naman sa Masbate na kung saan naitala naman ang kauna-unahang Pertussis case sa Camarines Norte.

Ang mga datos ay ang pinagsamang Clinical at Laboratory confirmed cases simula Enero 1 hanggang Mayo 25 ng kasalukuyang taon.

Ang Pertussis o whooping cough, ay isang malubhang nakakahawang impeksyon sa respiratory na karaniwang nakakaapekto sa mga bata, partikular na sa mga sanggol at batang wala pang kumpletong bakuna na kumakalat naman sa pamamagitan ng droplet transmission.

Kaugnay nito patuloy ang pagsasagawa ng DOH Bicol ng mga aksyon kagaya ng contract tracing sa mga direktang nakasalamuha ng mga nagpositibo para sa agarang medikasyon. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *