𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗧𝗢𝗨𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗢 𝗗𝗘𝗟𝗘𝗚𝗔𝗧𝗘𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 Isasagawa ngayong araw, ika-22 ng Hunyo ang City Tour para sa mga delegado ng Philippine Association of General Service Officers (PAGSO) Inc. National Convention.
Sa panayam ng Brigada News Team kay Isabela Tourism Office Head Joan Dy Maranan, naghanda aniya sila ng iba’t ibang mga itenerary na maaaring pagpiliian ng mga delegates.
Mayroong nature tripping, museum and library visit, at pagbisita sa mga lumang simbahan sa lalawigan. Ang naturang city tour aniya ay mahalaga sa pag-promote ng mga tourist destinations sa Lalawigan lalo pa’t mula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga kalahok.
Bahagi naman ito ng mga aktibidad sa National Convention kung saan ito na ang hudyat na magtatapos na ang ilang araw na convention.|