Mahigit isang daang grupo at indibidwal, umapela sa Senado umapela ng rejection ng RCEP

Sa gitna ng panibagong pagtulak para sa Senado na pagtibayin ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP, mahigit 100 grupo at indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ang umapela sa rejection nito.

Sa isang bukas na liham, hinikayat ng 131 na kinatawan ng mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, civil society organizations at private sector ang Senado na bumoto at tanggihan ang RCEP.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Habang hindi pa nakakaboto ang Senado sa pag-apruba ng free trade agreement, pinaalalahanan ng mga lumagda ang mga mambabatas na nakataya rito ang buhay at kapakanan ng milyun-milyong magsasaka, mangingisda, manggagawa at iba pang stakeholders.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Inilabas ang bukas na liham matapos ang pahayag ng Presidential Communications Office na itinutulak ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa Senado ang pagpapatibay ng regional free trade agreement.//CA