Jeepney group, nanawagan sa LTFRB na palawigin ang deadline sa implementasyon ng jeepney modernization program

Nananagawan ang Jeepney group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na palawigin ang deadline ng full implementation ng jeepney modernization program para bigyan ang libu-libong tsuper at operators ng mas maraming oras para makapag-adjust.

Sinabi ni Ricardo Rebaño, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, na naiparating na nila ang kanilang kahilingan sa Department of Transportation sa pag-asang makuha nila ang hinihiling na pagpapalawig sa programa.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nanindigan si Rebaño na hindi sila tutol sa public utility vehicle (PUV) modernization program ngunit naninindigan na hindi napapanahon ang buong pagpapatupad.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ang mga jeepney operators ay may hanggang April 26 na lamang upang sumali sa mga kooperatiba.

Ayon sa LTFRB , ang full implementation ng programa ay hindi na umano dapat maantala dahil sa paulit-ulit na pagpapalawig ng deadline mula panoong 2020.//CA