Dumalo si Pangulong Bongbong Marcos sa pamamahagi ng 2, 529 na titulo ng lupa sa Davao region ng Department of Agrarian Reform o DAR.
Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nitong masakit sa kanya na makitang pinaka mahirap pa rin sa bansa ang mga magsasaka.
Kaya nangako ang Punong Ehekutibo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para matulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng ginagawang whole-of-government approach ng gobyerno.
Anya ang pamimigay ng libreng titulo ng lupa ay unang hakbang pa lang sa pagkamit ng kanilang Kalayaan sa kahirapan.
Kaya maliban sa pamimigay ng titulo ng lupa, magpapatayo rin ng karagdagang imprastraktura, karagdagang bodega, farm to market roads, pamimigay ng mga farm machineries, binhi at pataba ang pamahalaan, para matulungan ang mga magsasaka.
#