Mahigit dalawampung libong customer ng MERALCO, apektado ng service interruption dulot ng masamang panahon

Iniulat ng Manila Electric Company o MERALCO na umabot na sa dalawampu’t tatlong libong customer ang apektado ng service interruptions dulot ng bagyong Carina at pinaigting na hanging habagat.

Ayon sa MERALCO, karamihan sa mga naapektuhan ay mula sa Metro Manila, ilang bahagi ng Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, Bulacan at Quezon Province.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ang power outages ay bunsod umano ng pagbaha sa service areas.

Nagpaalala rin ang MERALCO sa mga customer nito ukol sa safety tips tulad ng pagtitiyak na nakapatay ang main electrical power switch o circuit breaker at tanggalin sa saksak ang appliances mula sa wall sockets.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Sinabi ni MERALCO Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga na mahigpit nilang mino-monitor ang sitwasyon at patuloy na sinisikap ng mga tauhan na ibalik ang serbisyo ng kuryente sa lalong madaling panahon.

Agad din aniyang magde-deploy ng teams na mag-aayos ng serbisyo ng kuryente sa mga binahang lugar sa sandaling humupa na ang tubig.