Balay Silangan Reformation Center sa Naga City papasinayaan na!

NAGA CITY –Papasinayaan na ang Balay Silangan Reformation Center sa Barangay Carolina, sa Naga City mamayang hapon.

Dadaluhan ng mga opisyal at representante ng mga government agencies na nagtutulong-tulong para labanan ang illegal drugs at ang epekto nito tulad ng Phil Drugs Enforcement Agency, Phil National Police, Department of Interior and Local Government at iba pa.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Toti Importante, head ng Naga City Dangerous Drugs Board, sinabi niyang pangunahing layunin ng Balay Silangan ay ipatupad ang mga programa ng ng gobyerno na ang mga benipisyaryo ay ang mga Persons Who Used Drugs para sa kanilang patuloy ng pagbabago, ang pag-iwas sa illegal drugs at harapin ang magandang bukas kasama ang pamilya.

Aminado si Importante na naantala ang City Government sa project na ito dahil sa may mga proseso pang mahigpit na sinunod kabilang na ang paghanap ng lote sa upper barangay ng lungsod. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *