Mahigit 768.8K estudyante sa Bicol nakapag enroll na

BICOL—Umaabot na sa kabuuang 768,853 na mga estudyante ang nakapag enroll na mula kindergarten hanggang senior high school sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Bicol region.

Base sa Quick count na inilabas ng DepEd Bicol, pinakamaraming enrollees ang Camarines Sur na may 189,969. Sumunod ang Albay na may 107,454; Masbate na may 103,023; Camarines Norte 89,912; Sorsogon 82,221 at Catanduanes na may 39,826.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa mga City Divisions naman ay nangunguna ang Sorsogon na may 30,485; sumunod ang Legazpi na may 30,142; Naga 23,317; Masbate 23,090; Tabaco 22,022; Iriga 15,574 at Ligao na may 11,818 enrollees.

Sa mga public schools ay umaabot na sa 744,199 ang mga nag enroll; 24,592 sa private; 62 sa mga SUC at LUC at 6,561 sa ALS.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pinakamaraming enrollees naman ang elementary na may 302,767. Ang Junior High School ay may 228,212. Sa Senior High School ay may 136,205. Sa Kindergarten ay may 100,800 habang 869 sa non graded.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa unang araw ng pasukan sa Setyembre 13.###