Mga estudyante at guro may access na sa mga health services re: State-of-the-art Medical and Dental Clinics ng DepEd Bicol

BICOL—Inaasahang mas mailalapait na sa mga estudyante at guro ang ilang serbisyong pangkalusugan sa pagbubukas ng nasa 169 na mga School Medical and Dental Clinics.

Agosto 23 nang pormal ang mga itong buksan na tamang-tama sa nalalapit na pagbubukas ng klase ngayong darating na Setyembre 13.

Layunin ng mga klinika na makapagbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga learners at DepEd personnel na nangangailangan ng preventive at curative services kabilang ang dental at medical emergency care sa mga eskwelahan.

Mayroon itong mga kagamitan gaya ng high-end dental chair units, autoclave, dental forceps, basic hand instruments, restorative materials and light cure machines.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

18 sa mga klinikang ito ay nasa Albay, apat sa Camarines Norte, 34 sa Camarines Sur, 18 sa Catanduanes, 59 sa Masbate at 20 sa Sorsogon.

Mayroon din nito sa mga City Schools Division kung saan lima ang nasa Naga, apat sa Legazpi, tatlo sa Masbate, dalawa sa Iriga at dalawa rin sa Sorsogon.

Upang maipatupad ang programa, mayroong 13 medical officers na nakatalaga sa bawat division at isa namang regional medical officer, mayroon ding 55 dentista at 300 nurses na itatalaga sa mga klinika on schedule basis.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Bawat recipient school ay binigyan ng medical at dental supplies na nagkakahalaga ng P200,000.00. Mayroon ding pondo ang bawat dibisyon para sa pagpapatupad sa programa kabilang ang para sa capacity building para sa mga recipient schools.

Kailangan namang tiyakin ng mga recipient schools na makakapaglaan sila ng pondo para sa tuloy-tuloy na operasyon ng mga klinika na maaari ring magsilbi sa mga kalapit na eskwelahan.

Dahil sa pinsalang iniwan ng mga bagyo noong 2020, 149 sa kabuuang 169 na klinika lamang ang handa para sa pagbubukas ng klase ngayong buwan habang sumasailalim pa sa repair ang mga nasira ng bagyo.### || slm