Mahigit 70k katao sa Camarines Sur nabakunahan na vs COVID-19

NAGA CITY-Mahigit 70-libo mga taga Camarines Sur ang nabakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Governor Migz Villafuerte, nasunod ang pagbibigay prayoridad sa mga nasa A1 hanggang sa A4 Priority group.  Tuloy-tuloy ang pagbabakuna lalo pa ngayong patuloy din na ibinababa ang supply sa lalawigan. Nito lang din nagdaang araw may 51 doses ng Janssen vaccine ang inilaan sa probinsya.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Pinasalamatan ni Villafuerte pati mga Barangay Healthcare Workers na katulong ng mga health offices sa programa at hinikayat din nito ang mga residente na magpabakuna para maabot ang inaasam na herd immunity.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Sa tala ng DOH Bicol umabot na sa 63,754 ang vaccine administered sa unang dose habang 32, 464 sa 2nd dose sa dalawang brand ng bakuna.