NAGA CITY – Tinututukan ngayon ng Department of Education o DepEd Naga City ang mahigit 600 na mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod. Nakapagtala kasi ng 443 na mga mag-aaral na bumagsak na klase at 236 naman sa mga hindi na lumalahok o hindi na nagsasa-uli ng module.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM nang makapanayam si Dr. Manny De Guzman, Schools Division Superintendent.
Aniya, sa 27,757 na mga enrollees simula 2021 hangang 2022 sa Elementary 57 ang bumagsak at 49 ang hindi na nagsasa-uli ng module. Sa 17,854 naman na mga mag-aaral sa Sekondarya 347 ang bumagsak na at 161 ang hindi nagsasa-uli ng module. Sa sa Senior High School naman na nasa 6,886 ang mga enrollees, 39 na ang bumagsak at 26 na ang hindi lumalahok pa sa klase. Ang sitwasyon ay maituturing na isang hamon para mga guro maging sa mga mag-aaral.
Kaya naman bilang maagang pagtugon nang hindi na lumala pa ang sitwasyon ng mga bata nagsasagawa sila ng iba’t-ibang programa katulad ng Call for Parents Meeting, Home Visitation, Creating Group Chat with Parent and Students, Extension of the Deadline Submission of Output para sa mga estudyanteng nahihirapan sa lesson, kabilang na rin ang Radyo Aralan na kapartner ang BNFM Naga at maraming pang iba.
Bagamat marami ang aktibo sa klase at maganda ang pagganap hindi aniya maaaring ipasawalang bahala na lang lalo na kung kapakanan ng mga bata ang nakasalalay, dagdag pa ni De Guzman.