Mga lider ng pamahalaan dapat maging responsible sa paggunita ng ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution -CEACAL

NAGA CITY- Gugunitain bukas ang ika-36 na anibersaryo ng mapayapang rebolusyon sa Epifanio de los Santos Avenue o EDSA noong Pebrero 25, 1986. May mga paaralan , institusyon at mga organisasyon ang may aktibidad upang ipaaalala ang kahulugan ng nasabing mapayapang pagpapatalsik sa kinikilalang diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa Catholic Educational Association of Caceres and Libmanan (CEACAL) , ang bansang walang tamang pag-alala ay “ulianin”.  Ayon kay CEACAL President Fr. Wilmer Tria , kung mawawala ang memorya, mamawala ang pagkakakilanlan ng bansa.  Obligasyon aniya ng simbahan at paaralan na kundinahin ang anumang “fake history”.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Responsibilidad aniya ng mga lider ng pamahalaan na maging inspirasyon at manguna sa pag-alala ng People Power at iba pang kaganapan sa kasaysayan dahil ang magandang ala-ala ay binabalikbalikan.