DepEd Bicol, hindi oobligahing magsagawa ng 5-day F2F classes ang mga paaralan sa rehiyon na nasira dahil sa bagyong Paeng

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DepEd) Bicol na may mga paaaralan sa ilang lalawigan sa rehiyon na partially at totally damaged dahil sa bagyong Paeng.

Ayon kay Mayflor Jumami mula sa nabanggit na kagawaran, hindi umano oobligahin ang mga paaralang naapektuhan ng bagyo na magsagawa ng kanilang limang araw na in person classes.

Read More:  Madrasa teacher killed in shooting at Muslim Village in Davao City

Aniya, ang tanging gagawin muna ng mga paaralan ay magsagawa ng blended learning, modular o alternate F2F upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Read More:  DepEd assures psychosocial support after Ateneo de Zamboanga shooting

Nilinaw din nito na ang mga paaralang hindi nagkaroon ng mga pinsala ay maaari nang magsagawa ng kanilang 5 days in person classes. Sinabi ng opisyal na exempted muna ang mga paaralang naapektuhan ng bagyo dahil kinakailangan munang ayusin ito upang muling magamit ng mga guro at mga mag-aaral.