Umabot na sa kabuoang 501, 887 ang bilang ng mga nakatanggap na ng unang dose ng bakuna sa lambak ng Cagayan na kabilang sa priority group ng DOH.
Batay sa datos ng DOH Region 2, mula sa naturang bilang 230, 261 dito ang naturukan ng Sinovac; 106, 806 sa Astrazeneca; 9, 994 sa Pfizer; 12, 890 sa Gamaleya; 4, 988 sa Moderna at 136, 948 naman ang nabakunahan ng Johnson and Johnson.
Samantala, umabot naman sa 216, 159 na ang bilang ng mga indibidwal ang fully vaccinated.
Ayon pa sa ahensya, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang vaccination sa mga priority group sa kabila ng mahigpit na community quarantine sa mga bayan at syudad kung saan sinimulan na rin ng ilang mga LGU sa rehiyon ang pagbabakuna sa mga kabilang sa priority group A5 o ang mga kabilang sa indigent population.