90% na arawang kita ng pribadong emission testing center, naapektuhan ng mandatory PMVIC inspection

SORSOGON CITY – Nagpasaklolo ang mga pribadong emission testing center sa lalawigan ng Sorsogon dahil halos 90% ng kanilang araw-araw na kita ay naglaho simula nang pagiging mandatory na ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).

Sa panayam ng Brigada News sa isang empleyado ng isang emission testing center, tanging mga behikulo na may bigat na aabot sa 4,500 pataas na lamang ang maari magpasuri sa kanila.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, ito ay kinabibilangan ng pampublikong tricyle, jeepneys, ibat-ibang klase ng trak at bus.

Subalit, himutok ng nasabing empleyado, kulang ang mga ito upang maabot ng kanilang opisina ang kaukulang halaga upang tustusan ang rental fee, bayad sa mga tauhan at iba pang gastusin.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon pa dito, napakalaking kawalan sa kanilang hanapbuhay kung magpapatuloy ito na posible umano na hindi na sila makabayad ng permit sa LGU na malaking halaga rin kung susumahin.