Mag-asawa at isa pang babae, arestado sa buy bust ops ng PNP Cauayan

Arestado ang mag-asawa at isa pang kasamang babae sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa isang hotel sa Barangay San Fermin Cauayan City.

Isinagawa ang naturang operasyon ng pinagsanib-pwersa ng Cauayan City Police Station, Isabela HPT, PIU, IPPO at PDEA Region 2.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PNP Cauayan, kinilala ang mga naaresto na sina Danilo Guerero, 45 anyos, laborer; Jovie Guerero 40, anyos at Velma Estrada, 48 anyos may asawa na pawang mga residente ng Brgy Marabulig 1, Cauayan City.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nakumpiska umano sa pag-iingat ng mga suspek ang isang pirasong heat sealed transparent sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu, isang pang piraso ng shabu na nakabalot sa isang puting papel, 13 piraso ng aluminum foil, 1,000 pesos marked money, 2 unit ng cellphone, 3 pirasong lighter, 2 motorsiklo at pera na nagkakahalaga ng 2,030 pesos.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PNP Cauayan City ang mga naaresto habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 laban sa kanila.