Mahigit 500,000 AstraZeneca doses, dumating sa Pilipinas

Dumating sa Pilipinas noong Martes ang kabuoang 539,430 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na nagmula sa donasyon ng South Korea.

Lumapag ang karagdagang suplay ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kagabi pasado alas-9 ng gabi.

Read More:  DepEd assures uninterrupted learning amid Mayon Volcano activity

Mababatid na sinimulan na ng bansa ang tatlong araw na nationwide vaccination drive noong Lunes.

Tinatayang nasa 2.5-million doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa unang araw ng three-day nationwide COVID-19 drive.

Una nang binalak ng gobyerno na ma-administer ang 3-milyong doses kada araw.

Read More:  Danger-level heat index expected in several areas across the country

Gayunman, ang 2.5-million doses ng COVID-19 vaccines na naiturok noong November 29 ay 2.5 times nang mas higit kumpara sa daily average ng bansa.