UKRAINE— Halos lahat siguro ng mga batang babae ay kilala si Rapunzel bilang isa sa mga fictional Disney Princess na may mahaba at magical na buhok.
Siya ang bida sa animated musical adventure comedy film ng Walt Disney na pinamagatang “Tangled” na ipinalabas naman noong 2010.
Sa bansang Ukraine, pinag-uusapan ngayon sa social media ang viral photos ng isang 35-anyos na babae na nagtataglay hindi lamang ng kagandahan, kundi ng napakahabang buhok na umaabot ng dalawang metro.
Kinilala itong si Alena Kravchenko na naging instant sikat, matapos na kumalat sa social media ang kanyang ‘Rapunzel inspired theme photo-shoot’
Ayon kay Alena, tatlong dekada na ang lumipas nang huli siyang magpagupit. Limang taong gulang pa lamang umano kase siya nang sabihin sa kanyang ng kanyang ina, na dapat niyang alagaan ang kanyang buhok sapagkat ito ang ‘crowning glory’ ng isang babae.
Inaalagaan niya ito sa pamamagitan ng dalawang beses na pagsusuklay at pag-shampoo ng isang beses lamang sa isang linggo upang lumabas ang ‘natural oil’ nito at hindi gaanong maapektuhan ng mga kemikal mula sa ibang hair treatment products.
Sa ngayon, humakot na ng libong reaction at shares sa iba’t-ibang social media platforms ang larawan ng tinaguriang ‘real life Rapunzel’.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol