Mahigit 500 Pinoy sa Lebanon, naghihintay pa ng flights at clearance para makauwi ng Pilipinas

Halos 500 OFW na ang nakauwi sa Pilipinas simula noong sumiklab ang gulo sa Lebanon.

Pero ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nasa mahigit 500 Pilipino pa sa Lebanon ang naghihintay pa ng flights at clearance para makauwi ng Pilipinas.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

265 na mga OFW ang may nakabook ng commercial flights hanggang sa October 28 habang nasa 250 naman ang naghihintay ng clearance mula sa Lebanese Immigration.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Tiniyak naman ni Cacdac na handa ang gobyerno para mapauwi ang mga Pinoy kung itataas sa Alert level 4 ang gulo sa Lebanon.