Hindi isusumite ng QuadComm ang kanilang findings sa International Criminal Court (ICC), na siyang institusyon na nag-iimbestiga sa umano’y human rights abuses ng war on drugs ng Duterte administration.
Ayon kay House Quad Committee co-chairperson at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, susunod sila sa naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi kikilalanin ng bansa ang jurisdiction ng Pilipinas sa ICC.
Para aniya sa kanya, hindi na sila miyembro ng ICC, at malinaw na rin ang posisyon ng Pangulong hinggil dito.
Samantala, sinabi rin ni Barbers na maaari namang i-check sa social media ng mga imbestigador ng international court ang mga pagdinig ng komite.
Mababatid na ipinanawagan sa gobyerno ng ilang dating mambabatas na i-refer ang imbestigasyon ng Quad Committee sa ICC.