Ipinunto ni Senadora Risa Hontiveros na hindi dapat tantanan ng gobyerno ang pagpapaalis sa mga underground Philippine Offshore Gaming Operator na patuloy pa ring nag-ooperate sa bansa.
Kasunod ito sa naging anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-ban dito sa kanyang nakaraang State of the Nation Address.
Bilang tugon, binigyang-diin niyang hindi dapat matapos sa kanilang nalalapit na huling pagdinig ang operasyon para rito.
Kung kaya’t makipag-ugnayan pa rin umano sila sa mga law enforcers kung sakaling makatanggap sila ng mga impormasyong maaring makatulong sa paglaban dito.
Samantala, pinaalalahan naman din niya ang ilang kawani ng gobyerno na mag-ingat at huwag magpalinlang sa mga high-value prisoners.