BNFM BICOL – Pinuri ng Department of Education o DepEd Bicol ang mga guro na nagsilbi bilang Electoral Board sa rehiyon sa kakatapos lamang na Halalan.
Ayon kay DepEd-Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, nagpapasalamat ito sa mga guro dahil matagumpay ang naging resulta ng halalan sa kabila ng sakripisyo ng mga ito dahil sa pagka-aberya ng mga vote counting machines at samu’t saring reklamo ng mga botante sa araw mismo ng eleksyon.
Aniya, aabot sa 42,000 na mga electoral boards ang nagsilbi sa botohan at wala naman na naireport ang mga guro na ‘harrassment’ sakanila.
Sa ngayon, dapat na aniyang ituon ng mga ito ang kanilang pansin sa ‘end of school year’ at modular classes ng kanilang mga estudyante.###