Comelec sinimulan na ang imbestigasyon sa mga pumalyang VCMs noong araw ng halalan

Kinumpirma ni Comelec Commissioner George Garcia na gumugulong na ang imbestigasyon kaugnay nangyaring mga aberya at pagpalya ng mga vote counting machines sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay Garcia kahapon ipinatawag ni Commissioner Marlon Casquejo ang iba’t-ibang grupo kabilang na ang advisory council ng Comelec para alamin ang dahilan ng pagpalya ng mga VCMs.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Layon umano nito na masagot ang katanungan ng publiko kabilang na ang dahilan ng mga aberya at bilang ng mga botanteng naapektuhan dahil sa palyadong VCMs.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sinabi ni Garcia na inaasahan nilang magbibigay ng rekomendasyon ang advisory council sa posibleng magiging kapalaran ng mga makina at kung pwede pa ba itong gamitin sa susunod na halalan.