BNFM BICOL— Naglunsad ng tatlong araw na ‘job and trade fair’ ang lokal na pamahalaan ng Mobo, Masbate simula nitong araw ng Biyernes hanggang kahapon araw ng Linggo, bilang tugon sa mga residente ng bayan na naapektuhan at nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.
Sinabi ni Ryan Jerusalem- Public Employment Service Office Manager ng nasabing bayan, halos nasa 100 na mga aplikante ang agad na natanggap sa trabaho sa isinagawang job fair.
Lumahok aniya sa naturang aktibidad ang 36 na mga kompanya at employers na isinabay naman sa paglunsad ng Business Center kung saan itinampok ang mga lokal na produkto sa lugar.
Layon umano ng LGU-Mobo na mabigyan ng oportunidad ang mga residente ng kanilang bayan na muling makapagtrabaho at gayundin ang pagkakataon para sa mga maliliit na negosyanteng makilala at tangkilikin ng publiko ang kanilang mga local products.###