Palasyo, nilinaw na hindi idineklarang holiday ang August 9

Pinabulaanan ng Palasyo ang mga kumakalat na balita sa social media na ‘di umano ay idineklara ng Malacañang na holiday ang August 9 bilang pagbibigay daan sa state funeral ni dating pangulong Fidel V. Ramos.

Sa isang pahayag, pinayuhan ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles ang publiko na ‘wag basta-basta maniniwala sa mga post sa social media kagaya na lamang sa Facebook.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Matatandaang mayroon kasing kumalat na post kung saan ay sinasabing idineklarang ‘special non-working’ ang araw ng Martes sa susunod na linggo.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Ayon kay Angeles, wala pang ipino-proklama ang Pangulo.

Dahil dito, muling nagpaalala ang Palasyo na maniwala lamang sa mga ilalabas na balita mula sa opisyal na mga social media accounts ng pamahalaan.
#