CAMARINES NORTE- Umaabot sa 81 percent ang mga nakatanggap na ng COVID- 19 vaccine sa lalawigan ng Camarines Norte na kabilang sa age group na 60 anyos pataas.
Batay ito sa datos na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Department of Health Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola mula sa Camarines Norte Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center mula March 1, 2021 hanggang alas 6 ng umaga nitong March 18, 2022.
Sa 43, 229 na target population sa naturang age group nasa 35, 155 ang nabakunahan.
Umaabot naman sa 242, 043 ang nabakunahan na kabilang sa age group na 18- 59 taong gulang o 73 percent mula sa 330, 178 na populasyon.
Nasa 75 percent naman ang nabakunahan sa mga edad na 12 hanggang 17 anyos.
Sa 78, 413 population sa naturang age group nasa 58, 487 ang nabakunahan.
Noong nakaraang linggo ay sinimulan na rin sa lalawigan ang pagbabakuna sa mga edad 5- 11 anyos kung saan sa 97, 638 na populasyon ka kabilang sa nabanggit na age group nasa 1, 067 o isang porsiento ang nabakunahan.
Sa pangkalahatan na sa 53 percent ng 635, 921 na populasyon sa lalawigan ang nabakunahan kontra COVID- 19.
