LEGAZPI CITY – Boluntaryo sumuko sa Barangay ang suspek matapos mapatay nito ang kanyang kainuman na kapitbahay sa Purok 2, Brgy. Bantonan bayan ng Camalig, Albay.
Kinilala ang suspek na si Joven Lea Nuñez, 38 anyos habang kinilala ang nasawi na biktima na si Emanuel Toyo Cervantes, 42 anyos parehong residente ng nasabing barangay.
Ayon sa Camalig mps, habang nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang iba pang mga kalalakihan sa bahay mismo ng suspek.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima, dahil lamang sa sinabihan umano ang suspek na bakla na ikinagalit naman nito.
Dahil dito kumuha ang suspek ng patalim na armas o (kutsilyo) sa loob ng kanyang bahay at hinabol ang biktima.
Nang maabotan ito ay biglang sinaksak ng suspek ang biktima sa dibdib.
Agad dinala ang biktima sa BRTTH para sa medikal na atensyon ngunit idineklara itong DOA ng attending physician.
Kusang sumuko ang suspek sa mga opisyal ng barangay ng nabanggit na barangay at kasunod na itinurn-over ito sa mga rumespondeng tauhan ng Pnp.
Sa ngayon ay inihahanda na nasabing himpilan ang kasong isasampa laban sa suspek matapos ang insedente.