DENR hinimok ang mga kandidato at political parties na gumamit ng recyclable campaign materials

CAMARINES NORTE- Magsisimula na sa Marso 25 ang official campaign period para sa mga lokal na kandidato sa May 2022, National and Local Elections.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga kandidato at political parties na hanggat maari ay gumamit ng recyclable campaign materials.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni OIC- Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Marlon Francia na sana ay palaging isipin ng bawat isa ang pagbabawas ng basura.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Makakatulong aniya kung ang gagamiting campaign materials ay hindi single use plastic at maaaring may pagamitan uli.

Hindi raw dapat dumating sa punto na sa huli ay mapupunta lang ang mga basura sa estero, kanal o sa ilog at dagat.

Nagpaalala rin ang opisyal na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdidikit o pagpapako ng mga campaign posters sa mga puno alinsunod sa section 3 ng Presidential Decree 953

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang pagsira, pagsugat o pananakit sa kahit na anong uri ng puno ay mayroon umanong karampatang parusa.

Sa kabila naman ng paalalang ito ng ahensiya ay marami pa ring campaign poster ang makikitang nakadikit sa mga puno at iba pang ipinagbabawal na lugar na labas aa designated area ng Comelec.