Mahigit 300 aplikante sa Pabahay program sa bayan ng Mercedes isinailalim sa seminar

CAMARINE NORTE – Isinailalim sa seminar ang mahigit 300 aplikante ng Pambansang  Pabahay para sa  mga Pilipino (4PH) na planong itayo sa Brgy. 3 Mercedes Camarines Norte na tatawagin namang ” Lipunang Para sa Mercedeño”.

Itinuro ni Municipal Disaster & Risk  Reduction Management  Office  o MDRRMO Head Mr. Filjhon Tychingco  ang basic information  patungkol sa ibat ibang uri ng kalamidad  na posibleng  tumama sa naturang bayan tulad  ng Lindol , tsunami, bagyo at baha.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Richard  Manila ng Department  of Human Settlement & Urban Development  ( DHSUD) ang ukol sa programa ng PABAHAY sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Aniya, malaki ang posibilidad  na maitayo ito sa Mercedes  dahil mayroon nang lupang pagtatayuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *