Mahigit 30 mga food vendors sa bayan ng Castilla, nakatanggap ng NegoCart

Kabuuang 33 mga food vendors sa bayan ng Castilla ang naging benepisyaryo ng mga NegoCart sa ilalim ng Progresibong Castilla NegoCart Livelihood Project ng LGU katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) Sorsogon.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Layunin ng pamamahagi ng nasabing mga Negocart na pinondohan ng Lokal na Pamahalaan at ng DOLE Integrated Livelihood na mas matulungan ang mga maliliit na nagtitinda ng iba’t ibang pagkain at mabigyan ang mga ito ng mga kagamitan na higit na makakapagpa-unlad ng kanilang kabuhayan.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Ang nasabing mga kariton ay masayang tinanggap ng mga resipiyente ng programa kasabay ng pasasalamat sa anila’y malaking tuwang sa kanilang paghahanapbuhay.