Mahigit 30 aftershocks naitala matapos ang M7.1 na lindol sa Davao Occidental

Nasa mahigit tatlumpong aftershocks na ang naitatala ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng 7.1 magnitude na yumanig kaninang madaling araw sa Governor Generoso Davao Occidental.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Sa tala ng ahensiya nasa 4.4 magnitude ang pinakamalakas na aftershocks habang ang pinakamahina naman ay nasa magnitude 2.3.

Patuloy naman ang paalala ng mga otoridad sa mga residente na manatiling naka-alerto sa mga aftershocks sa mga susunod pa ng oras.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Inaalam naman mga otoridad ang danyos na idinulot ng malakas na pagyanig sa naturang lugar.