Mahigit 20,000 manggagawa, nakaambang mawalan ng trabaho sa oras na isara ang mga POGO sa bansa

Nakaambang mawalan ng trabaho ang mahigit 20,000 manggagawang Pinoy sa oras na ipasara ang mga POGO sa bansa ayon sa Department of Labor and Employment.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na sa kanilang talaan ay mga Pinoy ang pinakamaraming nagtatrabaho sa POGO.

Bukod sa Pinoy, meron din raw mga dayuhan tulad ng Chinese, Vietnamese, Indonesian, Burmese, Malaysian, Taiwanese. at iba pa.

Samantala, nakipagkasundo naman ang Bureau of Immigration sa DOLE para magkaroon ng profiling ng mga dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa POGO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *