Mahigit 2,000 COVID-19 recoveries sa Bicol naiulat kahapon, 31 bagong kaso naitala

BNFM BICOL– Patuloy sa pagbaba ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol region habang patuloy naman sa pagtaas ang bilang ng mga nakakarekober.

Katunayan kahapon, umabot lamang sa 31 ang mga naidagdag na bagong kaso kung saan 19 nito ang mula sa Camarines Sur. 11 ang mula sa Naga City; dalawa sa Bombon at Goa habang tag-iisang kaso ang mga bayan ng Bato, Calabanga, Caramoan at Pamplona.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Nasa pito naman ang naidagdag sa lalawigan ng Albay kung saan dalawa ang mula sa Daraga at tag-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Guinobatan,Ligao City at Polangui.

May tatlong kaso naman ang Sorsogon kung saan ang mga ito ay pawang mula sa Sorsogon City habang dalawa naman ang mula sa Camarines Norte na nairehistro sa Talisay at Jose Panganiban.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Bunsod nito, pumapalo na sa 58,274 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 5,547 sa mga ito ang aktibong kaso.

Dahil naman sa 2,007 na recoveries kahapon, umakyat na sa 51,063 ang bilang ng mga gumaling habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi na nananatili sa 2,114.####