Koala, inilista bilang endangered animal sa ilang estado ng Australia

Ibinilang ng Australia ang iconic na Koala bilang ‘endangered animal’ sa ilang estado ng nasabing bansa.

Ayon kay Environment Minister Sussan Ley, itinalaga niya ang mga populasyon ng Koala – (isang kinikilalang pandaigdigang simbolo ng natatanging wildlife ng Australia) bilang “endangered” upang mabigyan ito ng mas mataas na antas ng proteksyon sa New South Wales, Australian Capital Territory at Queensland.

Malugod na tinanggap ng mga environmentalist ang bagong status ng koala ngunit kinondena nito ang kabiguan ng bansa na protektahan ang naturang hayop.

Sa pagtatantya ng isang independiyenteng advisory body ng gobyerno na ‘Threatened Species Scientific Committee’, ang bilang ng Koala ay bumagsak mula 185,000 noong 2001 hanggang 92,000 na lamang nitong 2021.

Dagdag din ni Alexia Wellbelove ng Humane Society International,  ang east ‘Coast Koala’ ay maaaring maubos sa 2050 kung walang gagawing aksyon.

Ang mga Koala ng Australia ay naninirahan sa isang “knife edge” bago pa man ang mapangwasak na “Black Summer” bushfires noong 2019-2020 dahil sa land-clearing, tagtuyot, sakit, car strikes at pag-atake ng aso, ayon kay Josey Sharrad, wildlife campaign manager ng International Fund for Animal Welfare.

Dagdag pa niya, hindi dapat hinayaan ang mga bagay na makarating sa punto kung saan nanganganib na mawala ang isang national icon.

Aniya, ito ay isang wake-up call sa Australia at sa gobyerno na kumilos nang mas mabilis upang protektahan ang nasabing hayop.### TRIXIE BORRAS – Intern