Lubog pa rin sa baha ang nasa 253 lugar sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Managament Council, karamihan sa mga binahang lugar o 202 sa mga ito mula sa Region 3 o Central Luzon, 22 sa MIMAROPA, 13 lugar sa CALABARZON at may naitala pa rin pagbaha sa Regiona 9, 10, CAR at BARMM.
Ito’y bunsod ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina.
Maliban dito mayruon ding naitalang pagguho ng lupa, bumuwal na mga puno at nag collapsed na mga gusali.
Samantala, sa ulat pa ng NDRRMC 90 mga kalsada at 6 na tulay ang hindi parin madaraanan ng mga motorista.
Karamihan sa mga ito ay mula sa CALABARZON, NCR, Regions 1, 2, 3, MIMAROPA, BARMM at CAR.
Ilang kabahayan din mula sa Regions 1, 3, 9, CALABARZON, MIMAROPA at NCR ang nakakaranas parin ng power interruption habang may ilang tahanan din sa Regions 1, 9 at CALABARZON ang wala paring suplay ng tubig at linya ng komunikasyon.