May kabuuang 224 na bagong species ng halaman at vertebrate animals ang nadiskubre sa Mekong Region na sumasaklaw sa bansang Thailand, Myanmar, Laos, Cambodia at Vietnam.
Ayon sa report ng WWF, sa kabila ng bantang pagkaubos ng mga habitat dahilan ng climate change, nadiskubre ang mga bagong halaman tulad ng rock gecko na natagpuan sa Thailand at mulberry tree species sa Vietnam.
Kabilang din rito ang isang ungoy na Popa Langur na ipinangalan sa instinct volcano na Mouth Popa kung saan marami ang katulad nila ang naninirahan.
Ito’y may mahabang limb at buntot ayon sa ulat ay tinatayang aabot sa 100 ang dami nito sa kasalukuyan.
Nadiskubre rin ang isang kakaibang ahas na tinatawag na ‘iridescent snakes’ kung saan ang kaliskis nito ay nag-iiba ang kulay at nagiging bughaw o berde.
Ayon pa sa WWF, mayroon nang mahigit 3,000 mga bagong species ang nadiskubre mula noong taong 1997 na ipinapakita lamang kung gaano kahalaga ang pangangalaga sa ecosystem para sa mga bagong species na ito.### Angelica Buban – OJT