Housing project ng OVP sa Guinobatan, Albay handa nang lipatan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan nang manalasa ang ST Rolly

BNFM BICOL—Matapos ang mahigit isang taon buhat nang manalasa ang Super Typhoon Rolly sa Bicol, makakalipat na ngayon sakanilang mga bagong bahay ang nasa 100 households na benepisyaryo ng “Angat Buhay Program” sa bayan ng Guinobatan, Albay.

Sa pamamagitan ng facebook post, ibinahagi ni Guinobatan Mayor – Ann Gemma Ongjoco ang mga larawan ng mga bagong bahay na nakahanda nang ipamahagi at tirahan  ng mga pamilyang nawalan ng tirahan makaraang anurin ng baha at matabunan ng lahar dahil sa bagyong Rolly.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique
Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Matatagpuan ang naturang relocation site sa Brgy. Mauraro ng nasabing bayan na siyang napiling pagtayuan ng mga bagong bahay ng Office of the Vice President.

Maliban dito, nagpapatuloy din ang konstruksiyon ng housing project na mula naman sa Albay Provincial Government.###