Mahigit 20 patay sa pag-atake sa military hospital sa Kabul

Patay ang mahigit sa 20 tao habang nasa 16 ang sugatan sa pamamaril at bomb assault sa military hospital sa Kabul city Afghanistan.

Ayon sa report, target ng pag-atake ang 400-bed Sardar Daud Khan hospital kung saan pinasabugan ng mga suspect ang labas nito. Inihayag ng mga testigo na sinalakay ng mga armadong lalaki ang ospital kung saan nagkaroon ng pamamaril.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Kinumpirma naman ni Taliman Spokesman Bilal Karimi na pinasok ng Islamic State affiliate Khorasan o IS-K ang ospital na nagresulta sa barilan kung saan napatay ng Taliban fighters ang apat na suspect habang isa ang naaresto nang buhay.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Matatandaan na nagsunod-sunod ang pag-atake ng IS-K sa Afghanistan mula nang mag-takeover ang Taliban.