Nauwi sa trahedya ang masaya sanang ABBA tribute concert sa Sweden matapos na masawi ang dalawang tao habang isa ang sugatan matapo mahulog mula sa pitong palapag ang mga ito.
Ayon sa report, mahigit sa 1,000 na tao ang nagtipon sa Uppsala Konsert and Kongress hall malapit sa Stockholm sa tribute para sa ABBA.

Gayunman, bago magsimula ang konsyerto ay nalaglag ang isang lalaki sa open foyer sa ground floor kung saan sinasabing nabagsakan nito ang dalawang tao.
Patay ang lalaking nahulog at isa sa mga nabagsakan nito habang wala namang seryosong pinsala ang isa pa. Iniimbestigahan na ng mga otoridad kung paano nangyari ang insidente habang hindi pa inilalabas ang pangalan ng mga nasawi.